.

¤¤][ LATEST VIDEOS ][¤¤

¤¤][ INVITE FRIEND ][¤¤

Enter E-mail Below

¤¤][ MAILING LISTS ][¤¤

SUBSCRIBE NOW TO GET LATEST NEWS FROM SFOGSzeRo.com

¤¤][ FEATURED GAME ][¤¤




¤¤][ COMMUNITY ][¤¤


Follow SFOGSzeRo on Twitter

twitter.com/sfogszero




¤¤][ PODCAST ][¤¤

Last goodbye...(Philipine)

December 9, 2010 by kygi_inoae

Matagal ko na itong gustong i-post at matagal ko na itong naumpisahan but suddenly di ko pa rin siya matapos. After all this year tandang-tanda ko pa rin ang mga nangyari.

1st year high school pa lang ako nung mangyari ito.

November 19, 2005. Wala kaming ilaw sa kadahilanang naputulan kami ng kuryente. Tanging kandila lamang ang nagsisilbing gabay sa amin sa kadiliman. Hindi kami nakatulog (sana'y kasi kami na bukas ang ilaw pag-natutulog) nagkwekwentuhan kami hanggang sa makatulog. Mga alas-4 ng madaling araw (November 20) kkuya ko na lamang ang gising, wala siyang mapag-tripan ng mga oras na iyon kaya tinititigan na lang niya ang kandila nagbabakasakali na dalawin ng antok. Nabigla siya ng maubos ito, nakakapagtaka lang kasi kakapalit pa lang ng kandila (yung kandilang gamit namin ay yung pinaka malaki na mabibili mo sa supermarket). Ginising niya si Mama upang sabihin ito. Nagtaka din siya sa nangyari. Ang dating tahimik na bahay naging maingay dahil sa kakareklamo ng Mama ko. At that time gising ako pero tulog (yung tipong tulog ang katawan mo pero naririnig mo ang mga nangyayari sa paligid mo). Narinig ko ang bawat reklamo niya (maliit lang kasi ang bahay namin, yung sala tapat kwarto na, kaya maririnig mo talaga ang ingay sa may sala). Habang nagdadakdak si Mama, may narinig kaming sumisigaw na babae. Yung pinsan ko, umiiyak habang sinisigaw ang pangalan ng kanyang asawa.

“Henry! Henry!” sabay katok sa pintuan namin (nakikitulog kasi sa amin ang asawa niya nung araw na iyon).

“Bakit ka umiiyak?” tanong ni Mama.
“Patay na si Mama 'te!” ang sabi ng pinsan ko habang humahagulgol.

Nagmadaling lumabas sina mama at kuya para pumunta sa kabilang bahay (actually kapitbahay lang namin sila).

Takot kasi ako sa patay, kaya ng marinig ko iyon natakot talaga ako lalong-lalo't na wala akong katabi. Nung time na iyon alam kong ako na lang ang mag-isa na gising sa bahay. Nagbilang ako 1-10. Pagka 10, dali-dali akong lumabas ng bahay. At pagdating ko nga sa kabilang bahay totoo ang lahat ng aking mga narinig.

November 20 ng gabi.
Dumating sa amin ang best friend ng Auntie kong namatay.
Nagtanong siya sa akin “Sinong patay?”
“Si Auntie Inday po.” ang sagot ko.
Nagtaka siya sa sinabi ko, nakita niya pa daw si auntie kaninang madaling araw (which is alam kong wala na si Auntie kanina na pang madaling araw). Pinatawag niya sa akin si Mama.

Anduon ako habang nag-uusap sila (may pagka-tsismosa kasi ako).

Sa kabilang kalye lang siya nakatira. Hindi niya alam ang nangyari kay auntie kasi madaling araw pa lang umaalis na ito at bumabalik pag-gabi dahil sa negosyo nila.

Madalling araw, mga bandang alas-4. Nakita niya si auntie naglalakad, dumaan sa street nila. Impossible dahil ilang araw na itong nahihirapang maglakad ang auntie ko. Nakaputing blouse daw ito at naka putting palda na may print na bulaklak na kulay pink.

Nagtaasan ang balahibo ko sa mga oras na iyon dahil alam ko na iyon talaga ang suot ni auntie sa loob ng kabaong. Kami kasi ang namili ng susuotin niya. Napaka-impossible na makita mo ang palda ng patay kapag tumingin ka sa kabaong unless na bubuksan mo ito.

Binuksan namin ang kabaong at pinatingin ito sa kanya. Nasindak siya ng makita niya ang palda dahil yun daw ang suot ni auntie ng makita niya ito.

Hindi namin alam kung ano ang gustong ipahiwatig niya sa amin. Pero tanging conclusion ko, maaaring gusto lamang niyang ipaalam sa mga taong mahalaga sa kanya na wala na sa mundong ito.

:?:

10
Your rating: None. Average: 10 (4 votes)

 

Comments

Maganda ang kwento. Pero

December 9, 2010 by Leehyori87, 1 year 36 weeks ago

Maganda ang kwento. Pero natatakot pa rin akong may mangyaring ganyan din sa buhay ko. Ni pintuan lang na gumalaw na walang dahilan, I might freak out. Pinadarasal ko na lang talaga sa Diyos na sana di na lang ako makakakita para walang gulo. Pero nagdahilan ang mga taong malalapit sa akin. Paano raw kung may magpakita nga tapos wala raw akong maitutulong?!? Ayon kasi sa kanila, ako palang daw ang may naexperience na nakakatakot. May bago akong story. Pakibasa na lang sa Stories Section. ^^

whoa! katakot na ghost story

December 9, 2010 by reckless_soul, 2 years 18 weeks ago

whoa! katakot na ghost story un.. grrrrrr.......
kung nasan man ngaun.. ang nanay mo.....
hopefully maging masaya sya!......

baka gustong lng tlga ipaalam

December 9, 2010 by juslas500, 2 years 21 weeks ago

baka gustong lng tlga ipaalam ng auntie mo na patay na cya kasi ang mga multo ngpapakita lng nmn kung may kailangan salamt dn sa pg share ng story mo....hope may iba ka pa...

Click the "Listen Now" button above to listen to the story, "Last goodbye...(Philipine)"

 

 

 

AdaptiveThemes